WORDARTS/TYPOGS
PERSONAL/RANTS
REBLOGS
POP-OUT QUOTES
Back to page 1

KUYA HANSON (:

Yeah, may smiley. Para hindi na maging nega pa. I know, masaya na siya kung nasan man siya ngayon. Isa na siyang anghel, alam ko yun. Nakakalungkot mang isipin na wala na siya, mas magiging masaya siya kung tatanggapin natin yun. Nakilala man natin sya, kakilala, o isa lang tayo sa mga umusisa sa nabalitaan nating pagkawala niya. Ako man, hindi ko siya kilala at hindi ko mapigilang mainis kasi hindi ko siya nakilala. Marami tayong nakiusyoso pero ang mahalaga dun, natuto tayo. Natuto tayo sa isang taong may-ari ng blog na nagmukhang isang librong buhay. Hindi man natin siya nakasama at nakausap, tinuruan niya tayo kung gaano kahalaga ang buhay. At yun, hindi man natin siya habangbuhay na maaalala tulad nga ng sabi niya :

Kahit ilang beses mo pang ulit-uliting sabihin sa akin na hindi mo ko makakalimutan o kakalimutan, darating at darating ang araw at oras na gagawin mo yan.

Pustahan pa.

Gagawin mo yan.”

Mananatili pa rin sa atin yung mga kwento niya ng totoong buhay, yung walang pagkukunwari maliban na lang sa pagtatago niya ng sakit na nararamdaman niya. Minahal natin siya sa saglit na panahon at yun, mananatili na at tatatak sa ating puso. :)